Unang tapak pa lang ni Jean sa buhanginan ng Isla Fuentebella, itinalaga na niya ang sarili na mananatili siya sa islang iyon, no matter what.
Isla
Fuentebella is her ultimate dream to live in.
Sariwang
hangin, magandang kapaligiran, at tahimik na buhay.
Pero
ang hindi kasama sa kanyang pangarap ay ang manatiling tauhan ng resort. She
wants something, iyon bang wala siyang gagawin paggising sa umaga kundi ang
mamasyal sa tabing-dagat pagkatapos ng isang masarap na agahan sa terasa ng
kanyang magandang bahay. Pagkatapos ay walang pakialam sa mundong maglalangoy
siya sa dagat ng paroo’t parito, hanggang sa siya ay mapagod at magpapahinga na
siya nang padapa sa dalampasigan habang nagsa-sunbathing.
At
siyempre pa, kasama sa pangarap niya na may mga palad na hahaplos sa kanyang
likod habang nilalagyan siya ng lotion upang hindi masunog ang kanyang maganda
at malasutlang balat.
At
ang palad na iyon ay ang palad ng lalaking kanyang pakakasalan, ng lalaking
mayaman na pakakasal sa kanya at magbibigay ng kaginhawahan sa buhay at karangyaan.
Then, kapag nainip naman siya sa isla ay maglalambing siya rito at magyayayang
magtu-tour around the world para siya malibang.
At
siyempre pa, ang mga cute nilang anak ay may tig-iisang yaya kaya hindi niya
poproblemahin ang mga ito kapag out of the country sila ng kanyang husband.
Anyway,
ang lalaking iyon ay puwedeng pinoy, pero mas maganda kung foreigner, para
siguradong dollar ang hahawakan niyang pera.
Napahagikgik
siya sa isiping iyon.
Hay,
ang sarap siguro nang mayaman. Hindi ko kailangang magmadali sa paggising sa
umaga, hindi ko kailangang —
“Jean!”
“H-ha?”
Maang napalingon siya sa may-ari ng tinig na tumawag sa kanya. “O, Yvonne, ikaw
pala.” Napangiti siya nang malingunan ang dalagitang malapit sa kanila ni
Amara.
“Anong
ginagawa mo rito sa tabing-dagat?” Naupo sa tabi ni Jean ang dalagita habang
hawak ang basket na puno ng sigay at kung anu-anong klaseng kabibe.
“Ano
pa, de nangangarap. Ikaw, ano na naman ang ginagawa mo rito? Hindi ba’t
nagpunta sa kabayanan ang papang mo para magtanong kung magkano ang matrikula
mo sa darating na pasukan?”
“Oo.”
Malungkot na tumanaw sa malawak na karagatan si Yvonne.
“O,
eh, bakit hindi ka sumama? Aba, ikaw ang mag-aaral, dapat ay alam mo ang course
na kukunin mo.”
“Para
kasing hindi ako interesadong umalis sa isla. Ayokong mag-dorm sa kabayanan
kapag nag-aaral na ako.”
“Ano?
Aba, Yvonne, dapat ay —”
“Alam
ko. Kaya lang, hindi na masarap mag-aral ngayong wala na si Daniel.”
“Susme!
At iyon pala ang ipinagsisintir. Aba, Yvonne, kung nawala ang kababata mo rito
sa isla, dapat ay kalimutan mo na siya. For sure, maraming makikilalang girls
sa Manila ang isang iyon. Eh, ikaw, nabubulok ka lang dito sa isla.”
“Kasi,
mahal ko siya.”
“Mahal?
Anong mangyayari sa pagmamahal? Hindi ka naman niya mahal.”
“Mahal
niya ako.”
“Bilang
kaibigan?”
“Oo.”
“Kaya
mag-aral ka at maghanap ng magmamahal sayo hindi bilang kaibigan lang, kundi
bilang ka-ibigan. At puwede ba, ha? Iyong mayaman para naman makaahon ka na sa
kagagawa ng mga kuwintas at bracelet na kabibe, okay?”
“Ikaw
talaga, pati ito ay napagdiskitahan mo.”
“Kasi
naman, tuwing magkikita tayo, iyang basket mo na lalagyan ng mga sigay at
kabibe ang dala mo, eh.”
“Dito
kasi ako kumikita.”
“Sabagay.
O, hayun, may foreigner, alukin mo ng necklace.”
“Sige.”
Nagmamadaling tumayo si Yvonne upang habulin ang mag-asawang foreigner na
patungo sa dagat.
Naiiling
na nahabol na lang ng tingin ni Jean ang dalagita.
Hay,
buti pa siya, ang simple lang ng pangarap, ang makabenta ng kuwintas at
bracelet niya. Samantalang ako, magdadalawang taon na sa islang ito, and yet,
di pa rin makakilala ng mayamang lalaki na papakasal sa akin. Kailan kaya siya
darating?
Diretsong
tumingin siya sa karagatan, tagus-tagusan ang tingin niya sa paparating na
bangka na walang katig at sagwan lang ang ginagamit ng lalaking nakasakay.
Siguro,
dapat na talaga akong maging seryoso sa paghahanap ng lalaking iyon. Baka
tumanda akong dalaga kapag hindi pa ako kumilos. Bahagya siyang napangiwi sa
isiping iyon. Hindi yata niya pinangarap iyon.
Oo
nga pala, may bagong dating na foreigner galing Germany, iyong nasa Cottage-B.
Bukod sa guwapo na at bata pa ay mukhang big time. Ano kaya kung magpapansin
ako sa kanya? Wala sa loob na napangiti siya.
Ngiting
na-capture ng lalaking nakasakay sa bangkang padaong sa dalampasigan.
Akala
yata nito ay ito ang nginingitian ni Jean kaya ngumiti rin ito at bahagya pang
pinalamlam ang mga mata.
Pero
baka naman mapagkamalan niya akong pokpok. Napangiwi na naman siya sa naisip.
Iyong isang foreigner na pinatsarmingan ko noon ay inalok ako ng fifty dollars
para samahan siyang manood ng DVD na bold sa kanyang suite. Aba, sampalin ko
nga! Lalong napasimangot si Jean sa naalalang mumunting pangyayari sa kanya sa islang
iyon sa nakalipas na mahigit isang taon.
“Masyado
ka kasing atribida, napaka-flirt mo pa,” sisi ni Amara sa kanya noon nang
malaman iyon.
“Ah,
Miss?”
“H-ha?”
Napatingala siya sa matangkad na lalaking nakatayo na ngayon sa harapan niya
habang nakatunghay sa kanya. “B-bakit?” Bahagya siyang nag-stammer.
Why,
the man is a real hunk. Ang lapad ng dibdib nitong bakat sa sandong nangungutim
na hakab sa katawan nito. Labas ang namumutok na mga masel nito sa braso. And
he’s sexy sa suot na pantalong maong na nakatuping pataas hanggang sa tuhod.
Nakatapak ito sa buhanginan kaya ang mabalahibong binti ay kinakapitan ng mga
pinong buhangin.
And
goodness, he has that pearly white teeth kaya naman ang ganda ng ngiti nito.
“Ah,
itatanong ko lang kasi kung galit ka sa akin?” maginoong tanong nito.
“Galit?”
Sabihin pa ay nagkabuhol ang mga kilay niya nang makabawi na siya sa pagkabigla
sa kaguwapuhan nitong taglay. “At bakit mo nasabing galit ako sa iyo?” Napatayo
siya mula sa pagkakasalampak sa buhanginan at nakapamaywang na hinarap ito.
And
to her surprise, ang tangkad pala nito. Nagmukha siyang unano sa taas na 5’3
dahil nangangawit ang leeg niya sa pagkakatingala rito. Bakit ay nakatapak lang
siya at hindi suot ang kanyang three inches high heel na tanging dahilan kung
bakit nagmumukha siyang matangkad at sopistikada kapag nakauniporme siya.
“Ah,
kasi’y nakatitig ka na sa akin habang palapit ang bangka ko sa dalampasigan,
tapos ay nginitian mo ako, tapos ay walang lubay na sinimangutan,” nakangiti pa
rin nitong wika na tila nakakatakot.
“Ha?
Nakatitig ako sa iyo? At nginitian kita, tapos ay sinimangutan?” Hindi yata
niya matandaan na ginawa niya iyon.
“Oo.
Kaya nga kita nilapitan, nagtataka kasi ako sa reaksiyon mo?”
“Ganoon?”
Lalong nagkabuhol ang mga kilay niya. Oo nga at guwapo ito sa tunay na
kahulugan ng salitang iyon, pero hindi nangangahulugan na aarte siya nang
ganoon sa harap nito.
At
anong akala ng lalaking ito, komo guwapo ito ay ngingiti na siya para mapansin
nito!
Goodness!
Hindi
yata niya pinangarap na mag-flirt sa isang… sa isang kagaya nito na…
Ayaw
sana niyang matahin ang itsura nito dahil sa nangungutim na sando, lumang
pantalon, at bahagyang tan na balat, pero…
“Hoy Mama,
bulok na ang style mo, ha? Kung type mo ako at gustong makilala, sorry, you’re
not my type!”
“Type?”
Sabihin pa ay napanganga ito. “Naku Miss, hindi —”
“Puwede
ba, excuse me! Naaabala mo ako sa pamamahinga ko!” Pagkawika niyon ay nakairap
na naglakad siya palayo.
Napakamot
na lang sa ulo ang lalaki at naiiling na nasundan siya ng tingin.
“WOW!
Prospect number one!” Napangiti si Jean nang makitang pababa na sa Cottage-B
ang matangkad na lalaking kulay-mais ang buhok.
Sinundan
niya nang tingin ang foreigner na gumawi sa dalampasigan. Isang may edad na
lalaki ang nilapitan nito na sa ayos at anyo pa lang ay mahihinuhang chinese.
Hmm,
ano kaya ang business niya sa singkit na iyon? Anyway, wala akong pakialam. Ang
importante, kailangang makakuha ako ng pagkakataon na makalapit sa kanya.
Saglit
pang nagmasid si Jean. Hindi niya pansin ang init ng araw na tumatama sa
kanyang balat dahil pataas na ang araw.
Mayamaya
ay humiwalay na ang lalaki sa kausap na intsik.
At
iyon ang pagkakataong hinihintay ni Jean. Nang humakbang ito patungo sa hotel
ay humakbang din siya pasunod dito.
Kailangang
maisakatuparan na niya ang Plan-A.
“AY!”
“Hey,
watch out, young lady!” Maagap na nasalo ng kano si Jean na nadulas sa makintab
na baldosa sa lobby ng hotel.
“Oh,”
kunwari ay putlang-putla siva habang inaayos ang sarili. “T-thank you. You’re
my angel.” Saka isang matamis na ngiti sa mga labi niya ang sumungaw habang
nakatingala sa mukha nito.
“Oh,
you’re welcome. Next time, you must be extra careful, you know. You’re very
beautiful, you might break that beautiful face of yours.”
“Oh,
thank you!” kinikilig na wika niya. “Anyway, I’m Jean Del Sol. And you are?”
Sabay lahad ng palad dito.
Kinalimutan
niyang isa siyang dalagan Pilipina.
“Oh,
I’m Steven Edwards Szeneger, a German National. It’s my pleasure to meet you,
Jean. Can I invite you for lunch?”
Yes!
“Of
course!” agad niyang sagot.
“Well,
let’s go.” Inilahad nito ang palad.
“Sure?”
At muli ay tinanggap niya iyon ng walang halong inhibisyon.
Sabay
silang nag-lunch ni Steven sa restaurant ng hotel. Pagkakain ay nagyaya ito na mag-swimming sila.
Na
agad din naman niyang pinagbigyan.
Guwapo
naman si Steven, mabait pa at may pagka-gentleman, lalo tuloy narahuyo si Jean
na makipaglapit dito.
“ISA
akong biyudo at may dalawang anak,” wika ni Steven sa wikang slang na english
na may accent ng German habang nakaupo sila sa buhanginan at nakatanaw sa
palubog na araw sa kanluran. “Pero sa kasalukuyan ay naghahanap ako ng babaeng
magiging ina ng mga anak ko, at siyempre pa ay asawa ko,”
“Talaga?”
ngiting-ngiti si Jean habang kunwari ay engrossed na engrossed sa pakikinig
dito.
“Oo.
At sa tingin ko, natagpuan ko na siya ngayon.” Saka ito tumitig nang matiim sa
kanya na waring may nais ipahiwatig.
“Talaga?”
Kahit naman paano ay nakadama siya ng pagkailang sa titig nito. Nag-iwas siya
ng tingin.
“At
sana, sa mga darating na araw ay magawa kong maangkin ang pag-ibig niya.”
Lalong naging matiim ang titig ni Steven sa kanya.
Lalo
namang nailang si Jean, and at the same time ay kinilig.
Yes!
Ito na talaga ang katuparan ng mga pangarap ko! sigaw ng kanyang utak.
“So,
ikaw naman ang magkuwento ng tungkol sa sarili mo,” biglang wika ni Steven.
“H-ha?”
“Gusto
kitang makilalang mabuti.”
“Ah,”
pero ano ba ang masasabi niya tungkol sa kanyang sarili?
Siya
na isang anak ng labandera, nakapag-aral sa pamamagitan ng pagtitinda ng
kamatis sa palengke, naging scholar dahil likas na matalino kaya kahit paano ay
nakatapos ng kursong HRM.
“Ah,
nag-iisa lang akong anak ng parents ko.” Pero totoo naman iyon, naisip niya.
“Namatay agad ang tatay ko noong buntis pa lang ang mother ko kaya siya lang
ang nag-isang nag-alaga sa akin.”
At
marami pa siyang ikunuwento tungkol sa kanyang sarili na hindi nagbigay dito ng
ideyang mahirap lang siya.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment