Ipinahahatid ko para sa mga taong walang kapansanan na imulat ang kanilang kamalayan sa mga taong may kapansanan…
Mahirap
daw maghanap ng trabaho sabi ng iba, kaya maraming Pilipino ang mas pinipili
ang magtrabaho sa ibang bansa dahil malaki ang kikitain na pera doon.
“Praktikal” na ang buhay ngayon sabi nga. Kung gusto mo naman ng mabilisang
pag-angat sa buhay “maghanap ka ng mayaman” o kaya naman “makipagsapalaran sa
lotto”. Minsan natatanong mo naman sa sarili mo “kailan kaya ako yayaman?”.
Tanyag ang ganitong senaryo sa mga Pilipino lalo na kung hikahos sa buhay.
Hindi
lingid sa ating lahat, marami ang nangangailangan ng trabaho ngunit karamihan
nawawalan na ng pag-asa sa paghahanap, kaya may naliligaw ng landas, pinapasok
ang mga masasamang gawain.
Punta
tayo sa mga taong may kapansanan…
Hindi
madali para sa mga may kapansanan ang magtrabaho, unang una may limitasyon
ngunit hindi hadlang ang sitwasyong ito sa mga taong may kapansanan. Minsan
nasabi ko sa sarili ko, “kung sino pa ang may kapansanan sila pa ang kakikitaan
mo ng determinasyon, pagtitiyaga at pilit itinataguyod ang sarili makamit lang
ang mithiin sa buhay o maiahon ang pamilya sa hirap”.
Sa
buhay, kasama sa kapalaran ng tao ang “hirap”. Hindi lahat ng pangarap natin
nadadaan sa mabilisang proseso, kaya nga may pinagdadaanan muna tayong
masasakit na karanasan bago umasenso dahil ang karanasang pinagdaanan natin ang
magtutulak sa atin sa rurok ng tagumpay.
Karamihan
sa mga may kapansanan na umasenso, dumaan sa mapapait o masasakit na karanasan
bago nila nakamit ang mithiin nila sa buhay. Para sa mga taong walang
kapansanan, sana maging bukas ang inyong isipan at pumasok sa inyong kamalayan
na ang taong may kapansanan ay hindi kakaibang tao para sa inyong paningin.
Tingnan nyo sila ng may paghanga at bigyan ng higit pang suporta para lalong
tumibay ang kanilang tiwala sa sarili.
No comments:
Post a Comment