Alamin at Tuklasin ang Agos ng Buhay ng Bawat Taong may Kapansanan
Bilang isang indibidwal na taong may kapansanan mayroon din akong mga karanasan na naging dahilan ko upang maging matatag, lumaban at sumabay sa agos ng buhay. Hindi natin mararating ang mithiin natin sa buhay kung hindi tayo susugal o hindi natin susubukan ang ating kapalaran. Tayo mismo ang may hawak ng ating kapalaran, tayo ang gagawa at Diyos ang gabay natin sa bawat daan na ating tatahakin.
Para sa aming mga may kapansanan, masasabi na naming isang tagumpay ang makapagtapos ng pag-aaral, magkaroon ng trabaho at higit sa lahat magkaroon ng sariling pamilya. Ito ang nagbibigay kagalakan sa bawat taong may kapansanan. Ipinagmamalaki ko ang kapwa ko may kapansanan dahil sa kabila ng aming kapansanan nakakamit namin ang aming mithiin sa buhay dala ng pagtitiyaga, lakas ng loob at kapit sa Diyos.
No comments:
Post a Comment